PATAY GUTOM NA ARTIST Available for Purchase DECEMBER 2019!
- Birch Tree sa Pilipinas
- Nov 13, 2019
- 1 min read
Updated: Nov 14, 2019

“PATAY GUTOM NA ARTIST: Isang Antolohiya ni Buch Dacanay” 6 one-act plays written by Buch Dacanay in one, available for purchase starting December 2019!
Pre-order thru: diegotimoteodacanay@gmail.com (with the Subject: PATAY GUTOM ORDER)
Synopses:
Anim na bagong dula sa Filipino mula kay Buch Dacanay
“Sa Maling Mundo” ay nakatagpo sa realidad kung saan baliktad ang lahat ng tama at mali. Alam pa ba ng taumbayan kung ano’ng mabuti para sa kanilang kasalukuyan? Sundin ang kwento ni Michael at ng pamilya niya.
“Ngilabot”. Tatlong kwentong nakakapangilabot. Magkakaibang kwento kung saan saksi sa bawat tauhan ang sumusunod na mga estatwa ng anghel, ang demonyo sa kanto ng kwarto, at ang misteryosong pinto sa tuktok ng hagdan sa kisame.
Búhay ni “Jenny Li” at ang mga pangyayari ng nakaraang tatlong araw ang matutunghayan ninyo, nang kailangan niyang kumbinsihin ang kaibigan niyang nagahasa sa isang party na nangyari nga ang lahat ng iyon!
“Mananatili Sa Dilim” ang ating isipan hanggang malaman natin ang totoo sa nakakatakot na mga gabi ni Johnny nang bisitahin siya ng babaeng multo sa kwarto at tatabihan pa sa kama.
“Si Nanay, na Isang Manananggal” ang nanay ni Niño. Ngunit isang araw ay hindi na niya ito nakikita kaya humingi siya ng tulong sa iba’t-ibang misteryosong nilalang sa gubat para hanapin ang kanyang magulang!
Ang “Napakahiganteng Dragón” ay ang pinakanakakatakot na halimaw sa bayan nina Abdulha at mga kapatid niya. Ngunit kailangan nilang lumapit pagka't hawak nito ang bangkay ng kamamatay lang nilang kapatid na si Alon.
AVAILABLE STARTING DECEMBER 2019!
For inquiries email: buchaphobia@gmail.com
Comments